Fake Moon Landings
Isa rin sa pinakakontrobersyal ang pagtapak ng tao sa ating buwan. Kung sila Armstrong ba talaga ang nakatapak o hindi nga ba talaga? Kung Flat-Earther ka syempre iisipin mo peke talaga ang moon landing kasi wala naman talagang moon.
"Hindi po ako Flat-Earther."
Bakit ba naisipan nila pumunta sa buwan?
Taong 1961, ika-25 ng Mayo ng pinangakuan ni U.S. President John F. Kennedy na dapat ang Amerika ang unang makatapak sa buwan. Kasabay nito ang kompetisyon laban sa Soviet Union, dahil sa panahon yan magkaaway ang dalawang pwersa ang U.S. at ang Soviet tinawag itong Cold War.
Taong 1969, ika-20 ng Hulyo, ng nakatapak sila Neil Armstrong at Buzz Aldrin sa buwan. Tinagal ng halos tatlong araw sila sa buwan. Kasabay ng bago matapos nila ang kanilang misyon sa buwan at kumuha sila ng mga bato at isa ito sa naging kontrobersyal ang pagkuha ng larawan sa buwan, na kung saan lahat ng pagtapak nila at kung ano man ang ginawa nila dun. Studio Hoax lang daw yun.
Nagsimula kay Bill Kaysing ang Moon landing Conspiracy ng may access siya sa Apollo Program Documentation. Ang sabi pa nga niya, imposible makapunta sila sa buwan, dahil kulang pa sa kagamitan ang NASA sa panahong iyon.
Matapos ang kanyang mga salaysay ukol sa kontrobersiya ng Moon Landing. Sunud-Sunod na ang pagtatalo kung totoo ba talaga o sadyang peke lang?
Lahat ng nilabas ng NASA na larawan at video ay pinangatwiran ng mga Conspiracy Theorist na kung saan, walang hangin sa moon bakit parang gumagalaw ang flag? Film shooting lang daw ito, kasi desperado na ang NASA para manalo sila Space race laban sa Soviet. Kahit na nagbigay ng salaysay ang NASA kung bakit ganun ang mga paratang nila, marami-rami pa rin ang hindi naniniwala.
Magmula noong taong 1972, wala na ulit nakatapak sa buwan.
Bakit kaya?
Moon Alien Base
Taong 1972 ika 19 ng Disyembre pa nakahuli nakatapak ang mga tao sa Buwan. Bakit?Siguro nacurious kayo kung bakit? Well, sabi ng mga nakatataas ng NASA, pwede pa naman sila makapunta sa buwan. Ang mahirap wala na silang pera pang paggagastusan para lang sila makapunta, dahil kailangan nila ng bilyon-bilyong salapi. Kaya lang naman nakapunta ang NASA sa buwan, dahil sa Cold War eh. Nagtagisan ang dalawang pwersa ang U.S. at Soviet Union kung sino ba sa kanila ang may kakayahang makapunta sa space.
Para sa mga conspiracy theorist, hindi pera ang duda nila sa NASA kaya hindi na nakabalik sila sa buwan. Bakit?
Ayon kay Ian Stephen isang sikat na manunulat, ang buwan raw ay pinamamahayan ng mga Alien. Ang mga stations na nakapwesto sa moon ay sinakop na ng mga Alien kaya namomonitor na rin nila ang buhay dito sa mundo.
Stephens believes "NASA has decided the best way to deal with its to deny its existence".
Ayon pa nga kay Donna Hare, isang dating empleyado sa NASA, nang makausap nila ang mga nakatataas sa kanya. Minsan napagkwentuhan nila kung bakit wala na ulit sumubok pumunta sa buwan. Isa na rito na habang ang mga astronaut ay nagsisiyasat sa buwan; napansin nila na may parang nakasunod sa kanilang spaceship.
Ano sa tingin niyo? Maniniwala ba kayo na kaya hindi na nakapunta ulit ang mga tao dahil sa nakita nila, dahil natakot sila na baka sila ay mapahamak?
Moon landing is faked.
ReplyDelete