Monday, 21 August 2017

"PULIS" by John Reggie de Castro

Alagad ng batas,
dignidad ay kaytaas,
Tagapagtanggol ng naaapi,
tagalupig ng nang- aapi.



Simbolo ng tibay at katatagan, 
prinsipyo'y nasa rurok ng kataasan.
Laging nandyan kapag may nangangailangan,
buhay nila ay alay sa bayan.

Kayat mga kabataan,
labis silang hinahangaan.
Mga unipormadong pulis,
Iginagalang ng lipunan.

Ngunit sa paglipas ng panahon,
Bakit tila nagbago ang alon?
Mga hinahangaang tagapagtanggol noon,
Nasaan na kayo ngayon?

Gyera kontra droga,
Isang magandang kataga.
Layunin ay masawata,
Drogang nakasisira ng pamilya.

Gyera kontra droga,
Binuo para sa layuning kayganda.
Ngunit tanong ko lng sa kanila,
Ang mga aksyon nyo, tama ba?

Gyera kontra droga,
Naway ayusin ang sistema.
Upang inosente ay di mabiktima,
at mga mamamayang Pilipino ay hindi mangamba.

Mga Pulis kong iniidolo,
Isa lang ang mensahe ko sa inyo.
Sa tungkuling sinumpaan nyo,
Dapat kayo ay makatao.

1 comment:

  1. Mga pulis naka uniporme nasa ilalim naman ng mga sindikato at mga dilawan. Walang kwentang mga pulis matapang pag may baril at chapa pag wala mga tago ng tago sa kanya kanyang saya ng nanay nila.

    ReplyDelete

Battle of Verdun

The Battle of Verdun (French:  Bataille de Verdun , German:   Schlacht um Verdun ), fought from 21 February to 18 December 1916, was t...